Kilalanin ang illegal recruiter!
Ang illegal recruiter ay:
- agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo
- nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa
- nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata
- nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbpa. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya
- bahay-bahay kung mag-recruit ng mga aplikante
- hndi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho
- nagsasabi na may kausap na direct employer at ang mga aplikante ay di na kailangang dumaan sa POEA
- nangangako ng mabilis na pag-alis ng aplikante gamit ang tourist o visit visa
- walang maipakitang employment contract o working visa
- nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID
- nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center
- nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis
- walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address
- nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-process (lalo na sa kaso ng EPS-Korea)